Lalaki dinalaw ang ex-lover dedo sa bagong mister

MANILA, Philippines - Pinagbubugbog at pi­nag­sasaksak ang isang lalaki ng bagong kinakasama at mga barkada nito matapos dalawin ang dating live-in partner na asawa na ng suspek kamakalawa sa Las Piñas City.

Namatay noon din ang biktima na nakilalang si Aben Acebron, 43-anyos, ng Antipolo City, Rizal da­hil sa maraming tama ng sak­sak sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Naaresto ang mga suspek na sina Rolly Layno, 33-anyos, at Ruben Sacmar, 27-anyos, kapwa residente ng Manukan Delta, Brgy. Manuyo Dos, ng naturang lungsod.

Habang pinaghahanap pa ang dalawang kasamahan na sina Rodel Sacmar at Jovito Sacmar.

Batay sa ulat, bago naganap ang krimen ay nagtu­ngo ang biktima sa bahay ng da­ting live-in partner na si Ailen Barcia, 39-anyos, na kasalukuyan namang ki­nakasama ng suspek na si Layno.

Dito ay inabutan ni Layno kasama ang mga barkada ang biktima na kausap ni Barcia, sanhi upang magalit ito at pagtulungang gulpihin si Aceb­ron. 

Isa sa mga suspek ang nagbunot ng patalim at sunud-sunod na inundayan ng saksak ang biktima.

Show comments