MANILA, Philippines - Tumulak kahapon ang Pangulong Benigno Aquino III at 60-man na delegasyon nito upang dumalo sa 9th Asia-Europe Meeting (ASEM) sa Vientiane, Lao People’s Democratic Republic. Nabatid na ganap na ala-1:00 ng hapon ng umalis ang Pangulong Aquino at delegasyon nito sakay ng Philippine Air Lines flight 0001 sa Ninoy Aquino International Airport terminal 2.
Kasama ng Pangulo sina PCOO Sec. Herminio Coloma Jr., DTI Sec. Gregory Domingo, DFA Sec. Albert del Rosario, Finance Sec. Cesar Purisima, Secretary to the Cabinet Rene Almendras, at Socio-Economic Planning Sec. Arsenio Balisacan. Ayon kay Executive Sec. Paquito Ochoa Jr., naglaan ng P8.9 milyon ang gobyerno para sa biyahe ng Pangulo at delegasyon nito upang dumalo sa 9th ASEM mula Nov. 5-6.