MANILA, Philippines - Piso kada-kilo ang itinaas na presyo ng Liquefied Petroleum Gas (LPG)” sa lokal na merkado.
Dakong alas-6:00 ng umaga kahapon ng itaas ng Total Philippines ang presyo ng kanilang LPG ng P1 kada kilo o P11 kada tangke.
Unang nagpatupad ng dagdag-presyo ang Liquigaz nitong Nobyembre 1 ng P11 kada tangke. Sumunod naman kamakalawa ang Petron Corporation na nagdagdag rin ng P1 kada kilo ng LPG at P.63 sentimos kada litro ng kanilang Auto LPG.
Wala pa namang anunsyo ang mga retailers na miyembro ng LPG Marketer’s Association sa pagtaas sa presyo ng kanilang mga produkto.
Nabatid na ang naturang paggalaw sa presyo ng LPG ay dahil pa rin umano sa pagtataas ng contract price nito sa internasyunal na merkado.