Misis pinatay sasakal ni mister
MANILA, Philippines - Mga palahaw na iyak ng dalawang musmos mula sa loob ng isang silid ng isang hotel ang naging susi para matuklasang patay na ang kanilang ina, na umano’y sinakal ng straw rope ng kanilang ama kahapon ng hapon, sa Sampaloc, Maynila.
Hindi pa kilala ang biktimang nasa edad 30-35 anyos, nasa 5’2 hanggang 5’3 ang taas, mahaba ang buhok, katamtaman ang pangangatawan, may tahi sa tiyan, na indikasyong nakapagsilang sa pamamagitan ng caesarian section, kayumanggi , makasuot ng kulay dark blue na t-shirt at maong na pantalon.
Pinag-aaralan pa ng mga awtoridad ang nairekord na kuha ng Closed Circuit Television (CCTV) upang mamukhaan ang suspek na inaalam pa ang pagkakakilanlan.
Posibleng ang mismong ama ng dalawang batang sina “Von” at “Yeye”, nasa 3 at 4 na taong gulang, ang pumaslang sa biktima.
Sa inisyal na imbestigasyon ni PO3 Cris Ocampo ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas-4:15 ng hapon nang madiskubreng patay na ang babaeng okupante ng Room 20 ng Beehive Travellers Inn, na matatagpuan sa #3085 Vicente Cruz corner Ramon Magsaysay Sts., sa Sampaloc, Maynila.
- Latest