131 kolorum na sasakyan sa mm nahuli

MANILA. Philippines - Tinatayang aabot sa 131 mga colorum na be­hikulo ang nahuli ng pinagsanib na elemento ng National Capital Region Police Office (NCRPO) at Land Transportation and Regulatory Board (LTFRB) sa iba’t ibang bahagi ng Metro Manila.

Ayon kay NCRPO Chief P/Director Leonardo Espina na ang nasabing bilang ng mga nahuling colorum vehicles ay sa loob ng mahigit isang linggong operasyon na nag­lalayong walisin sa mga lansangan ang mga hindi lehitimong sasakyan.

Nabatid na pinalakas ang operasyon laban sa mga colorum na behikulo upang mapigilan ang talamak na mga insidente ng robbery/holdup na karaniwan ng UV Express ang ginagamit ng mga masasamang elemento.

Inilagak na sa LTFRB impounding area sa bayan ng Taytay, Rizal ang mga nahuling colorum na behikulo habang patuloy ang operasyon laban sa behikulong bumibiyahe ng walang kaukulang dokumento.

Show comments