^

Police Metro

Surigao del Sur, niyanig ng 6.5 magnitude na lindol

Angie dela Cruz - Pang-masa

MANILA. Philippines - Isang 6.5 magnitude na lindol ang nagpayanig sa Surigao del Sur at apat na iba pang bahagi ng bansa kahapon ng alas-2:17 ng madaling araw.

Ayon sa Philippine Ins­titute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), naitala ang  lalim ng lindol sa  78 kilometro at tectonic ang origin nito.

Bunsod nito, naramdaman ang lakas ng lindol sa intensity 5 sa Tandag, Surigao del Sur, intensity 4 sa Surigao City at intensity 3 sa Bislig, Surigao del Sur.

Niyanig din ng lindol ang  Bolinao, Pangasinan na may lakas na magnitude 2.4 kahapon ng alas-3:48 ng  madaling araw gayundin ay naitala ang magnitude 2.8  ang tumama sa Burgos, Surigao del Norte at magnitude 4.6 sa Buenavista, Guimaras kahapon ng alas-4:39 ng madaling-araw.

Bago ito, naitala din ang paglindol sa Saranggani Davao del Sur sa la­kas na magnitude 4.1 alas-10:02 ng Biyernes ng gabi na may  lalim na 176 kilometro

Wala  namang naiulat na naapektuhan sa natu­rang mga lindol.

AYON

BISLIG

BIYERNES

BOLINAO

PHILIPPINE INS

SARANGGANI DAVAO

SURIGAO

SURIGAO CITY

VOLCANOLOGY AND SEISMOLOGY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with