6 opisyal ng pulis sa Region 5 sinibak sa sugal
MANILA, Philippines - Anim na opisyal ng pulisya sa Region 5 (Bicol Region) ang sinibak sa kanilang mga puwesto matapos na mabigong mapigilan ang pamamayagpag ng illegal gambling sa lugar ng kanilang hurisdiksyon.
Ang mga nasibak ay sina Sr. Supt Ramon Ranara, Director ng Camarines Sur Provincial Police Office at limang hepe ng mga bayan sa kaniyang nasasakupan na sina Chief Inspector Ruben Padua Jr., ng Pasacao; Chief Inspector Alejandro Monge II ng Buhi; Chief Inspector Noel Aquino ng Sipocot; Chief Inspector Venerando Ramirez ng Pili at PSI Rodolfo Oliver ng Canaman; pawang ng Camarines Sur.
Patuloy ang mahigpit na direktiba ni PNP Chief Director General Nicanor Bartolome na tatamaan ng ipinatutupad na 3 strike policy kontra illegal gambling ang mga opisyal na mabibigong masawata ang pamamayagpag ng naturang mga bisyo.
- Latest