Bading inatado nang hinipuang binata

MANILA, Philippines - Kamatayan ang na­ging kapalit nang panghihipo ng isang 61-anyos na bading nang saksakin at tangka pang pugutan ng ulo ng binata na kanyang hinipuan kamakalawa ng gabi sa Dumanjug, Cebu.

Nasawi noon din ang biktima na kinilalang si Virgilio Janea, matapos magtamo ng malalalim na saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Agad namang naaresto ang suspek na nakila­lang si Wilbert Deniega, 19.

Batay sa ulat ng pulisya, bandang alas-8:00 ng gabi magkasamang nag-iinuman ang suspek at biktima kasama ang iba pang kalalakihan sa nasabing lugar.

Sa gitna ng inuman ay bigla na lamang umanong hinipuan ng biktima  ang suspek na agad na puma­lag.

Itinulak naman ng bading ang suspek na napasubsob sa lupa at pagbangon ay dinaluhong ito ng sunud-sunod na  saksak na agad nitong ikinamatay.

Show comments