Belmonte bibigyan ng parangal ng Rotary

MANILA, Philippines - Bibigyan ng para­ngal ng Rotary International District 3780 at Quezon City go­vernment si Star Group president Miguel Belmonte ngayon sa Rotary Golden Wheel Awards na gaganapin nga­yong gabi (Oct. 20) sa Crowne Plaza Hotel sa Ortigas, Quezon City.

Ayon kay RI 3780 District Governor-Nominee at Vocation Service District charman, CIDG director Samuel Pagdilao Jr., tatanggap ng pagkilala si Belmonte ng Golden Wheels Award sa print-media.

Kabilang sa bibigyan ng pagkilala ng RI 3780 ay sina yumaong DILG Sec. Jesse Rob­redo dahil sa kanyang advocacy for good governance at si Sen. Chiz Escudero naman para sa kanyang outstanding achievement sa pagi­ging mambabatas.

Wika pa ni Pagdilao, kasama niyang magbibigay ng trophy na dinesenyo ni painter/artist Jun Martines at nilikha naman ng internationally reknowned Filipino sculptor na si Joe Dauin,  ay sina QC Mayor Herbert Bautista at RI District 3780 Gov.Rufino Policarpio III.

Kasama din sa mga awardees sa taong ito ng Rotary Golden Wheel Awards ay sina BIR chief Kim Henares, DOST Sec. Mario Montejo, CHED chair Patricia Licuanan, Dr. Corazon Rubio ng Basic Education, DOH Usec. Teodoro Herbosa, GMA 7 reporter Tina Panganiban-Pe­rez, Dr. Wyden King, film director Brillante Mendoza, Gina Lopez, basketball coach Chot Reyes at ang yumaong PDI publisher na si Isagani Yambot.

 

Show comments