^

Police Metro

3 Pinoy patay sa SoKor sea rescue

Ellen Fernando - Pang-masa

MANILA, Philippines - Mistulang hina­bol ng kamatayan ang tatlong Pinoy seaman dahil matapos silang mailigtas sa lumubog nilang cargo ship na kanilang sinasakyan ay namatay din ang mga ito nang ang  isang coast guard ship na sumasagip sa kanila ay tumaob nang hampasin ng malaking alon sa karagatan na sakop ng Jiju Island, South Korea noong Huwebes.

Sa ulat ng Philippine Labor Attache’ sa Department of Foreign Affairs (DFA), kinumpirma ng Jiju Coast Guard na tatlo sa limang nasawing crew ay mga Pinoy na kinilalang sina Henry Morada; Blert Hautea; at Jayson Sazon at dalawang Chinese na kabilang sa 19 crew na lulan ng MV Shinline, isang Malaysian cargo vessel  na lumubog nang hampasin ng malakas na alon  habang naglalayag sa may Jiju island.

Agad na nagpadala ng distress call ang Shinline vessel sa Jiju Coast Guard na agad na nagresponde sa lugar at dito ay dalawang bangka ng coast guard ang dumating.

Gayunman, habang inililipat ang mga 19 tri­pulante na kinabibilangan ng 13 Chinese at 6 Filipino na sakay ng nasirang Malaysian cargo ship sa isa sa dalawang bangka ng  South Korean Coast Guard ay lumubog din ito matapos hamba­lusin ng malakas na alon.

Sinabi ng mga coast guard officers na lahat ng Asian sailors ay kasamang lumubog sa tubig sanhi upang malunod ang tatlong Pinoy at dalawang Chinese crew

Nadala pa ang mga “unconscious” na biktima sa pagamutan, subalit idineklarang mga patay habang isang coast guard officer ang sugatan.

 

vuukle comment

BLERT HAUTEA

COAST

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

GUARD

HENRY MORADA

JAYSON SAZON

JIJU COAST GUARD

JIJU ISLAND

PHILIPPINE LABOR ATTACHE

PINOY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with