Pistons nakaisa sa Cavs
DETROIT - Humataw si Tim Hardaway Jr. ng season-high 32 points para tulungan ang Pistons na sapawan ang Eastern Conference-leading Cleveland Cavaliers, 133-122, at tiyakin ang una nilang winning season sapul noong 2016.
Naglaro ang Detroit (42-32) na wala si injured top scorer Cade Cunningham (calf), ngunit nagawa pa ring tapusin ang 12-game losing slump kontra sa Cleveland (59-15).
Si Dennis Schroder ang sumalo sa trabaho ni Cunningham at naglista ng 16 points at 10 assists habang nagdagdag si Jalen Duren ng 16 points at 13 rebounds.
Nalampasan nila ang kinamadang 38-point performance ni Donovan Mitchell para sa Cavaliers.
Nakalapit ang Cleveland sa 117-119 galing sa triple ni Mitchell sa huling 3:31 minuto ng fourth period mula sa 89-108 agwat.
Isang 12-1 atake naman ang ginawa ng Detroit para selyuhan ang panalo.
Sa New York, nagtala si Kawhi Leonard ng 31 points sa 132-100 dominasyon ng Los Angeles Clippers (42-31) sa Brooklyn Nets (23-51).
Sa Salt Lake City, tumipa si Nikola Jokic ng 27 points at 14 rebounds sa 129-93 paggupo ng Denver Nuggets (47-28) sa Utah Jazz (16-59).
- Latest