Hawks sunog sa Rockets

HOUSTON — Kumolekta si Fil-Am guard Jalen Green ng 32 points at 11 rebounds para pangunahan ang Rockets sa 121-114 pag-ihaw sa Atlanta Hawks.
Umiskor si Fred VanVleet ng 21 points tampok ang perpektong 8-of-8 shooting sa free throw line habang may 14 rebounds si Tari Eason para sa Houston (47-26).
Pinamunuan ni Dyson Daniels ang Atlanta (35-37) sa kanyang 19 points, 10 assists, 8 rebounds at 4 steals.
Nagdagdag si Trae Young ng 19 points at 12 assists.
Kumamada si Green ng 14 points para ibigay sa Rockets ang 65-48 halftime lead bago nakadikit ang Hawks sa 94-98 sa 7:20 minuto ng fourth quarter mula sa isang 17-2 atake.
Ang apat na free throws ni VanVleet sa huling 22 segundo ang naglayo sa Houston sa 121-114.
Sa Sacramento, nagbagsak si Shai Gilgeous-Alexander ng 32 points sa 121-105 paggupo ng Oklahoma City Thunder (60-12) sa Kings (35-37).
Sa Portland, tumipa si Darius Garland ng 27 points sa 122-111 pagtusok ng Cleveland Cavaliers (58-14) sa Trail Blazers (32-41).
Sa Miami, umiskor si Bam Adebayo ng 27 points at may 20 markers si Tyler Herro sa 112-86 pagsunog ng Heat (31-41) sa Golden State Warriors (41-31).
- Latest