^

PM Sports

FEU ibinaon ang UE

Nilda Moreno - Pang-masa

MANILA, Philippines — Mabilis na binuldoser ng Far Eastern University ang University of the East, 25-20, 25-20, 25-23 sa pa­ngalawang laro ng UAAP Season 87 women’s volleyball tournament na nilaro sa FilOil-EcoOil Centre sa San Juan City, kagabi.

Hindi na nagpatumpik-tumpik ang Lady Tamaraws, lumabas agad ang kanilang bangis sa pa­ngunguna ni Jazlyn Ann Ellarina upang maka-una ng dalawang sets.

Bahagyang pumalag ang Lady Red Warriors sa third frame kaya nagdikitan ang labanan pero nanatili ang tikas ng FEU upang ilista ang 6-3 karta at puwestuhan ang solo second place sa team standings.

Tumikada si Ellarina ng 17 points mula sa 12 kills, tatlong service aces at dalawang blocks para tulungan ang Lady Tams na ibaon ang Recto-based squad sa ilalim ng team standings taglay ang 0-9 karta.

Nagtala sina Chenie Tagaod at Gerzel Mary Petallo ng tig-15 puntos habang pito ang kinana ni Faida Bakanke para sa Lady Tams.

Kasalukuyang nasa tuktok ang nagdedepensang kampeong National University na namantsahan tangan ang 8-1 karta matapos yumuko sa University of the Philippines sa unang laro, 26-24, 23-25, 17-25, 25-23, 15-12.

 Umarangkada si Nina Ytang ng 30 points mula sa 27 attacks at tatlong blocks upang akayin ang Lady Maroons sa panalo at ipalasap sa Lady Bulldogs ang unang kabiguan sa siyam na laro.

May tsansa sanang itakas ng NU ang panalo nang makalamang sila ng isang set na panalo, 2-1 pero nabulaga sila ni Ytang nang magliyab ang kanyang opensa kaya nasilo ng Lady Maroons ang set 4 at 5.

Nagkamada si Joan Marie Monares ng 16 markers habang tig 10 ang kinana nina Kianne Louise Olango, Irah Anika Jaboneta at Bienne Louis Bansil upang kumpletuhin ang upset win para sa UP.

Bumira si Mhicaela Belen ng 21 puntos habang 19 ang tinikada ni Alyssa Jae Solomon para sa National University.

 

UAAP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->