^

PM Sports

Ginebra inangkin ang Game 2

John Bryan Ulanday - Pang-masa

MANILA, Philippines — Naitakas ng Barangay Ginebra ang pambihirang 71-70 panalo kontra sa Talk ‘N Text upang makatabla sa 2024-2025 PBA Commissioner’s Cup best-of-seven finals series kahapon sa Mall of Asia Arena.

Kumamada ng 35 puntos, 11 rebounds, 1 steal at 2 tapal si Justin Brownlee kabilang na ang pampanalong freethrows sa huling 46 segundo upang maakay sa 1-1 kartada ang Gin Kings matapos ang 95-89 kabiguan sa Game 2.

Nag-ambag ng muntikang triple-double na 16 puntos, 12 rebounds at 7 assists si Scottie Thompson para sa Ginebra na muntikang malustay ang 15 puntos na bentahe sa kasagsagan ng fourth-quarter comeback ng Tropang Giga.

May kontribusyon ding 8 at 7 puntos sina Japeth Aguilar at Stephen Holt, ayon sa pagkakasunod, para sa mga bataan ni coach Tim Cone na sumandal sa depensa sa huling mga segundo.

Nilimitahan ng Gin Kings sa 4 na puntos sa second quarter ang Tropang Giga subalit nasayang ang 15 puntos na kalamangan nang maungusan ng TNT sa huling 2 minuto, 70-67.

Iniskor ni Brownlee ang huling 4 na puntos para sa Gin Kings at pinamalas ang mala-lintang depensa nang puwersahin sa 2 magkasunod na turnovers si Rondae Hollis-Jefferson, kabilang na ang pampanalo sanang tsansa sa buzzer.

Napurnada ang 25 at 11 puntos nina Hollis-Jefferson at Roger Pogoy, ayon sa pagkakasunod, para sa tropa ni coach Chot Reyes na muntikan na sanang makaalagwa sa 2-0 kartada.

Ang 4 puntos ng TNT sa second quarter at 19 sa kabuuan ng first half ang pinakababang puntos ng kahit anong koponan sa kasaysayan ng PBA finals.

 

 

 

PBA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->