Pacers sadsad sa Nuggets

INDIANAPOLIS — Kumolekta si Nikola Jokic ng career-best 19 assists 18 points at 9 rebounds habang may 25 markers si Aaron Gordon para igiya ang Denver Nuggets sa 125-116 paggupo sa Indiana Pacers.
Nagdagdag si Michael Porter Jr. ng 19 points at 11 rebounds para sa Nuggets (38-20) at may 17 at 16 markers sina Christian Braun at Jamal Murray, ayon sa pagkakasunod.
Pinamunuan ni Myles Turner ang Pacers (32-24) sa kanyang 23 points at umiskor sina Tyrese Haliburton at Pascal Siakam ng tig-19 points.
Matapos makalapit ang Indiana sa 108-115 ay nagsalpak si Gordon ng isang 19-foot jumper kasunod ang layup ni Braun para ilayo ang Denver sa 120-108 patungo sa kanilang panalo.
Sa Oklahoma City, umiskor si Jaden McDaniels ng 27 points at sinupalpal ni Anthony Edwards ang tira ni Shai Gilgeous-Alexander sa 131-128 pagtakas ng Minnesota Timberwolves (32-27) sa Thunder (46-11).
Sa Sacramento, nagbagsak si Zach LaVine ng season-high 42 points sa 130-88 pagmasaker ng Kings (29-28) sa Charlotte Hornets (14-42).
Sa Atlanta, nagtala si Trae Young ng 11 points at 14 assists sa 98-86 pagdagit ng Hawks (27-31) sa Miami Heat (26-30).
Sa Salt Lake City, bumira si Anfernee Simons ng 28 points sa 114-112 pag-eskapo ng Portland Trail Blazers (25-33) sa Utah Jazz (14-43).
- Latest