^

PM Sports

Karerista abangers sa 4YO Imported/Local Challenge

Nilda Moreno - Pang-masa
This content was originally published by Pang-masa following its editorial guidelines. Philstar.com hosts its content but has no editorial control over it.

MANILA, Philippines — Inaasahang puspusan na ang paghahanda ng mga trainers at maging ang mga hinete sa kanilang pa­ngarerang kabayo para sa lalahukang 2025 ‘4-Year-Old & Above Imported/Local Challenge Series 2’ na i­lalarga sa Marso 2 sa Metro Turf, Malvar - Tanauan City, Batangas.

Bagama’t wala pang naghayag ng pagsali ay tiyak na marami ang lalahok na mahuhusay na kabayo sa distansyang 1,800 meter race kung saan ay nakalaan ang P500,000 guaranteed prize na ikakalat sa unang anim na kabayong tatawid sa meta.

Hahamigin ng mananalong kabayo ang P300,000, sisikwatin ng pangalawa ang P100,000 habang P50,000, P25,000, P15,000 at P10,000 ang third hanggang sixth placers, ayon sa pagkakasunod.

Sakaling anim na kabayo pababa lamang ang nagpatala ay hanggang fourth place ang premyo, P300,000 pa rin sa mananalo.

Ang nomination ng mga kalahok ay sa Pebrero 17, may bayad itong P2,500 habang sa araw din mismo ang deklaras­yon ng mga makikipagtagisan, may fee naman itong P5,000.

Sa Pebrero 27, (Huwebes) ang bolahan para malaman ang kanilang numero pagparada nila sa pista.

 

SPORTS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with