^

PM Sports

Obiena hari sa France

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines — Inilabas ni Asian record holder EJ Obiena ang bagsik nito upang masiguro ang korona sa 2025 Mee­ting Metz Moselle Athlelor kahapon sa France.

Nailista ng two-time Olympian ang 5.70 metro upang masiguro ang kanyang unang gintong medalya sa taong ito.

Nauna nang humirit ng pilak si Obiena sa International Springer-Meeting Cottbus noong Enero.

Tinalo ni Obiena si Menno Vloon ng Netherlands na nagtala ng parehong 5.70m.  Subalit na-naig ang Pinoy pole vaulter via countback.

Tinangka pa ni O­biena na makuha ang 5.85m ngunit bigo ito sa kanyang tatlong pagsubok.

Nagkasya naman sa tansong medalya si Christopher Nilsen ng Amerika na may 5.60m na naisumite.

Sunod na sasabak si Obiena sa Istaf Indoor tournament sa Germany na nakatakda sa Linggo ng gabi (oras sa Maynila).

Target ni Obiena na madepensahan ang kanyang korona sa naturang torneo.

Matatandaang pinag­harian ni Obiena ang Istaf Indoor noong nakaraang taon kung saan nagtala ito ng 5.93m na siyang bagong Asian indoor record.

Hindi magpapartisipa sa Istaf Indoor si world champion, Olympic champion at world record holder Armand Duplantis ng Sweden.

 

EJ OBIENA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with