Lalongisip nagpasiklab sa Cignal HD

MANILA, Philippines — Isang rookie pa lamang si Ishie Lalongisip, ngunit kaagad siyang nagpasiklab para sa Cignal HD sa 2024-25 Premier Volleyball League (PVL) All-Filipino Conference.

Sa 25-12, 25-15, 25-17 pagwalis ng HD Spikers sa Capital1 Solar Spikers noong Huwebes ay humataw si Lalongisip ng 13 points para tapusin ang kanilang two-game losing skid.

Pinaganda ng Cignal ang kanilang baraha sa 6-3 para sa third place sa team standings.

“Before ako mapunta sa position na ito, parang nilo-look back ko rin kung ano ‘yung pinagtrabahuhan ko nu’ng past and ngayong nandito na ako, parang mas grateful ako kasi dumating ako kasi alam ko sa sarili ko na hindi ako titigil magtrabaho kasi nagsisimula pa lang ako and mahaba pa ang journey ko,” wika ng dating Adamson University Lady Falcons star.

Sa pag-alis nina team captain Ces Molina at middle blocker Riri Meneses ay si Lalongisip ang sinandalan ni coach Shaq Delos Santos bukod kina veterans Vanie Gandler, Rose Doria-Aquino at Jacqueline Acuña.

Muling papagitna ang No. 7 overall pick ng PVL Rookie Draft sa pagsagupa ng HD Spikers sa ZUS Coffee Thunderbelles (4-5) sa Huwebes sa PhilSports Arena sa Pasig City.  

Show comments