^

PM Sports

Tolentino, Lappartient nagkita sa Harbin

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nagkita sina Abraham ‘Bambol’ Tolentino at David Lappartient — na parehong heads ng National Olympic committee (NOC) at cycling federation — sa Harbin, China.

Naging maganda ang pag-uusap nina Tolentino at Lappartient kung saan napag-usapan ang pagpapalakas sa cycling at ilang mga detalye patungkol naman sa International Olympic Committee (IOC).

“From a casual conversation—hellos and how are you?—to the more significant topics concer­ning cycling and the forthcoming IOC presidential elections,” ani Tolentino na presidente ng Philippine Olympic Committee at PhilCycling.

Kasama si Tolentino sa delegasyon ng Pilipinas sa 9th Asian Winter Games sa Harbin, China.

“As an active national federation of the UCI (International Cycling Union, which Lappartient heads as president), Dave (Lappartient) conscientiously asked about cycling in the Philippines and expressed full support to our track program,” dagdag ni Tolentino.

Masayang ibinalita ni Tolentino ang ginagawang world-class indoor velodrome sa Tagaytay City na nakakuha ng positibong reaksiyon mula kay Lappartient.

“He was just too happy to learn that an indoor UCI-standard velodrome in Tagaytay City will be ope­rational in a few months,” ani Tolentino.

Ginagawa na ang velodrome sa Tagaytay City na inaasahang matatapos sa kalagitnaan ng taon.

Ito ang magiging kapalit ng outdoor Amoranto Velodrome sa Quezon City na pinag-aaralang tanggalin na para sa pagpapagawa ng football field.

Isa si Lappartient sa pitong kandidato na nagnanais maging IOC president kapalit ni outgoing chief Thomas Bach.

ABRAHAM TOLENTINO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with