Giannis-less Bucks dinagit ng Hawks
ATLANTA — Umiskor si Trae Young ng 24 points para banderahan ang Hawks sa pagbangon mula sa isang 21-point deficit at resbakan ang Milwaukee Bucks, 115-110.
Nagdagdag si Mouhamed Gueye ng mga season-high na 15 points, 11 rebounds at 4 blocks at kumolekta si Dyson Daniels ng 15 points at 10 assists para sa Atlanta (24-28).
Tinapos nila ang five-game home losing skid para sa ikalawang panalo sa huling laro.
Humakot si Bobby Portis ng 26 points at 15 rebounds para sa Milwaukee (27-23) na naglaro na wala si All-Star Giannis Antetokounmpo (left calf injury), habang tumipa si Damian Lillard ng 23 points, 10 assists at 9 rebounds.
Nag-ambag si Kyle Kuzma ng 12 points para sa kanyang debut sa Bucks matapos ang trade sa Washington Wizards.
Umiskor ang Hawks ng anim na sunod na basket para ilista ang seven-point lead sa huling dalawang minuto ng laro at selyuhan ang kanilang panalo.
Sa Oklahoma City, bumira si Jalen Williams ng 27 points at may 25 markers si Shai Gilgeous-Alexander sa 121-109 pagbugbog ng Thunder (41-9) sa Toronto Raptors (16-36).
Sa New York, nagtala si Cam Johnson ng 18 points at may 17 markers si D’Angelo Russell sa 102-86 pagdaig ng Brooklyn Nets (18-34) sa Miami Heat (25-25).
- Latest