‘No strong’ move
Dahil dehado raw sa tawagan sa kanilang semifinal game, inabandona ng Strong Group Athletics ang 34th Dubai International Basketball Championship.
Itinapon sa bintana ang sportsmanship, nagpatalo sa emosyon at tinalikuran ang tournament bilang Philippine representative.
Malamang na naka-course sa Samahang Basketbol ng Pilipinas ang invitation sa SGA. At ang aking hinihintay ay ang mensahe mula sa SBP.
Para sa akin, panghihiya kung hindi man pambabastos sa host ang ginawa ng SGA.
At dapat lang na huwag na silang pasalihin pa para sa mga susunod na edisyon ng Dubai Invitationals. Huwag na rin dapat paglaruin pa kahit saan mang International Invitationals.
Hindi magandang mensahe ang ipinarating ng SGA sa Philippine basketball circle – na kung dehado ka sa tawagan, puwedeng basta talikuran na lang ang competition na iyong nilalaruan.
Hindi ko alam kung binalahura nga ng mga referees ang Strong Group. Pero kung totoo man, parang hindi pa rin karapat-dapat ang galaw na kanilang ginawa.
At kung sa SBP man o saan pa man dumaan ang invitation, maganda kung may statement na manggagaling mula sa national federation.
- Latest