^

PM Sports

Supreme Dynasty dinomina ang 3YO Maiden race

Nilda Moreno - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nasilayan ng mga karerista ang galing ng Supreme Dynasty sa karerahan matapos nitong angkinin ang panalo sa 3-Year-Old & Above Maiden Race na nilarga sa Metro Turf, Malvar sa Tanauan City, Batangas noong Sabado ng hapon.

Ginabayan ni class A rider Kelvin Abobo, inirehistro ng Supreme Dynasty ang tiyempong 1:27.3 minuto sa 1,400 meter race sapat upang hamigin ng winning horse owner na si Antonio Tan ang P15,000 added prize.

Pang-apat na lumabas ng aparato ang Supreme Dynasty, hinayaan nitong mauna ang matutulin sa largahan na Pay The Line, Boy Wonder at Toy’s Of Maxinne.

Subalit papalapit ng far turn ay dumidikit na sa una­han ang Supreme Dynasty kaya naman pagdating ng huling kurbada ay nagkapanabayan na ang winning horse at Pay The Line.

Hindi na pinaporma ng Supreme Dynasty ang kanyang mga katunggali kaya sa rektahan ay halos walang ng gustong makadikit sa kanya.

Tinawid ng Supreme Dynasty ang finish line nang may apat na kabayo ang agwat sa pumangalawang Pay The Line.

Terserong dumating ang En Fuego, habang pumang-apat ang Music N Magic sa event na suportado ng Phi­lippine Racing Commission.

Samantala, pitong races ang pinakawalan ng Metro Manila Turf Club Inc. (MMTCI) kaya naging masaya ang paglilibang ng mga karerista noong Sabado.

METRO TURF

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->