^

PM Sports

Tagumpay ang operasyon kay Sotto

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines — Wala nang dapat ipangamba dahil tagumpay ang isi­nagawang operasyon kay Gilas Pilipinas standout Kai Sotto sa kaniyang torn anteior cruciate ligament (ACL).

Ipinakita ni Sotto sa kaniyang post sa social media na tapos na ang operasyon kasabay ng pasasalamat sa ligtas na pagsasagawa ng procedure.

Ilang linggo rin itong magpapahinga bago sumalang sa rehabilitasyon para sa paggaling ng kaniyang injury.

Sumalang sa operasyon si Sotto matapos itong mag­tamo ngACL injury sa laro ng Koshigaya Alphas sa Japan B.League.

Mangangailangan ng anim hanggang walong buwan na rehabilitasyon para tuluyang gumaling ang injury nito.

Dahil dito ay hindi makalalaro si Sotto sa final win­dow ng FIBA Asia Cup Qualifiers na gaganapin sa Pebrero 20 at 23.

KAI SOTTO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->