Curry-less Warriors wagi sa Jazz

Inilusot ni Warriors guard Dennis Schroder ang kanyang layup laban sa depensa ng Jazz.

SAN FRANCISCO — Kumamada si Dennis Schroder ng 23 points at may 20 markers si Brandin Podziemski sa 114-103 paggupo ng Stephen Curry-less Golden State Warriors sa Utah Jazz.

Tumipa rin si Pod­ziemski ng pitong rebounds at anim na assists para saluhin ang trabaho ng two-time MVP na si Curry.

Nag-ambag si Andrew Wiggins ng 19 points para sa Warriors (23-23) na ipinahinga si Curry dahil sa kanyang sumasakit na mga tuhod.

Binanderahan ni Collin Sexton ang Jazz (10-35) sa kanyang season high 30 points habang may tig-13 markers sina Drew E­ubanks at Micah Potter.

Bago ang halftime ay umiskor muna si P­od­ziemski ng limang sunod na puntos para sa 62-51 kalamangan ng Golden State patungo sa paghuhulog sa Utah sa pang-pitong dikit na kamalasan.

Sa Philadelphia, nagpaputok si Tyrese Maxey ng 43 points kasama ang apat na three-point shots para pangunahan ang 76ers (18-27) sa 118-104 paggupo sa Los Angeles Lakers (26-19).

Sa Atlanta, nagposte si Fil-Am Jalen Green ng 25 points para tulungan ang Houston Rockets (32-14) sa 100-96 pagpapasabog sa Hawks (22-25).

Sa Portland, bumira si Deni Avdija ng season-high 30 points para pangunahan ang Trail Blazers (18-29) sa 125-112 pagdaig sa Milwaukee Bucks (26-19).

Show comments