Farm Fresh, Galeries babangon

MANILA, Philippines — Magpipilit ang Farm Fresh at Galeries Tower na makabawi mula sa talo sa 2024-25 Premier Volleyball League (PVL) All-Filipino Conference sa PhilSports Arena sa Pasig City.

Haharapin ng Foxies ang Highrisers ngayong alas-6:30 ng gabi matapos ang bakbakan ng Chery Tiggo Crossovers at ZUS Coffee Thunderbelles sa alas-4 ng hapon.

Bumabandera ang nagdedepensang Creamline sa kanilang 6-0 record kasunod ang Petro Gazz (6-1), Cignal (5-2), PLDT (5-3), Chery Tiggo (5-3), Choco Mucho (5-3), Akari (4-4), ZUS Coffee (3-4), Farm Fresh (3-4), Galeries Tower (1-6), Capital1 Solar E­nergy (1-6) at Nxled (0-8).

Nagmula ang Foxies sa 25-21, 14-25, 17-25, 20-25 pagyukod sa Crossovers.

Minalas naman ang Highrisers sa Crossovers, 28-30, 25-20, 25-19, 16-25, 8-15, at sa HD Spikers, 17-25, 20-25, 19-25.

Muling aasahan ng Farm Fresh sina Trisha Tubu, Aly Bertolano, Louie Romero, Rizza Cruz, Caitlin Viray at Jolina Dela Cruz katapat sina Ysa Jimenez, Jewel Encarnacion, Roselle Baliton, France Ronquillo, Andrea Marzan, Jho Maraguinot at rookie Julia Coronel ng Galeries Tower.

Sa unang laro, nakatutok ang Chery Tiggo at ZUS Coffee sa kanilang ikalawang sunod na panalo.

Humataw ang Crossovers ng 21-25, 25-14, 25-20 panalo sa Foxies, habang umiskor ang Thunderbelles ng 31-29, 25-15, 25-15 tagumpay sa Solar Spikers sa kanilang mga huling laro.

Sina Cess Robles, Ara Galang, Shaya Adorador at Cza Carandang ang babandera sa Chery Tiggo kontra kina Jovelyn Gonzaga, Thea Gagate, Michelle Gamit, Gayle Pascual at Chinnie Arroyo ng ZUS Coffee.

Show comments