^

PM Sports

Abalos naka-3 Presidential Gold Cup champion

Nilda Moreno - Pang-masa

MANILA, Philippines — Lubos ang saya ni reigning Philippine Sportswriters Association, (PSA) - Horse Owner of the Year awardee Benhur Abalos Jr. dahil naka-tatlong Presidential Gold Cup winner na ang nasisikwat ng kanyang mga kabayo.

Unang kabayo ni Abalos na sumilo ng korona ng prestihiyosong PGC race ay si Ibarra noong 2008, sinakyan ito ni Kelvin Abobo, pangalawa si Hagdang Bato (2014) na ginabayan ni former PSA-Jockey-of-the Year Jonathan Basco Hernandez.

Pangatlo ay si Batang Manda noong Disyembre 2024 kaya nahirang din na PSA-Horse of the Year.

“Masuwerte ako dahil naka-tatlo na akong Presidential Gold Cup, sina Ibarra, Hagdang Bato at Batang Manda, masaya ako at biniyayaan ako ng magagaling na kabayo,” ani Abalos pagkatapos niyang tanggapin ang karangalan na Horse of the Year sa katatapos lang na 2024 San Miguel Corporation - Philippine Sportswriters Association Awards Night sa Centennial Hall sa Manila Hotel Lunes ng gabi.

Kasama ni Abalos na pinarangalan ay ang Batang Manda at si class A rider John Alvin Guce (Jockey of the Year) mula sa pinakamatandang sports media organization sa Pilipinas

Natutuwa at nagpapasalamat naman si Abalos sa PSA sa pagkikila at pagsama sa kanila sa mga pinarangalan.

“Ako’y nagpapasalamat for recognizing itong industriya ng karera, for recognizing the jockeys, the horses at sa lahat,” sabi ni Abalos.

Ayon pa kay Abalos, mas pagbubutihin pa nila ang paghahanda ng kanilang mga pangkarerang kabayo upang magtuluy-tuloy ang matatanggap na karangalan.

BENHUR ABALOS JR.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with