^

PM Sports

Bolts may pakay sa Gin Kings

John Bryan Ulanday - Pang-masa

MANILA, Philippines — Magtatangka ang Meralco na makasalo sa tatluhang karera para sa twice-to-beat edge habang pakay ng Ginebra na manatiling nasa kontensyon para sa naturang tsansa papalapit sa dulo ng 2024-2025 PBA Commissioner’s Cup ngayon sa Smart-Araneta Coliseum.

Magbubukas ng ba­gong kabanata ang Bolts at Gin Kings sa kanilang karibalan tampok ang ma­laking pabuya sa alas-7:30 ng gabi habang susubok sa parehong misyon ang Eastern kontra sa NLEX sa alas-5 ng hapon.

Nasa tersera puwesto ngayon ang Meralco hawak ang 7-3 kartada at siyang natatanging koponan na may pag-asang mahabol ang NorthPort (9-3) at Talk ‘N Text (8-3) para sa Top 2 finish at twice-to-beat incentives sa quarterfinals.

Sa katunayan, buhay na buhay pa ang pag-asa ng Bolts sa No. 1 lalo’t tinalo nila ang league-leading na Batang Pier lalo kung makakalusot din sa Magnolia para sa huling laban nito.

Nag-aabang lang sa likod ang Barangay Ginebra na kung masisilat ang Meralco ay makaka­angat sa 8-4 kartada upang tapusin ang kampanya nito.

Sa ganoong sitwasyon ay aasa ang Gin Kings sa karambola sa No. 2 kasama ang TNT, Eastern, Converge at Meralco depende sa quotient.

Para sa Bolts, hindi sila susugal na dumating pa sa puntong iyon kung madidispatsa naman nila ang Gin Kings upang mamuro sa misyong twice-to-beat sa likod ng three-game winning streak.

Pinagbuhol-buhol ng mga bataan ni coach Luigi Trillo ang NLEX, NorthPort at San Miguel upang makahabol sa karera sa pangunguna nina Akil Mitchell, Chris Banchero, Chris Newsome, Cliff Hodge, Raymond Almazan at Bong Quinto na aatasan niya uling mamuno.

Sa kabilang banda, sasandal sa kumbisidong 120-92 panalo ang Ginebra kontra sa Rain or Shine upang mapanatili ang anomang maliit na tsansa sa twice-to-beat.

PBA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with