^

PM Sports

Klay nagsalpak ng 7 tres sa panalo ng Mavs

Pang-masa

DALLAS — Iniskor ni Klay Thompson ang 21 sa kanyang 23 points sa first quarter tampok ang pitong three-point shots para gabayan ang Mavericks sa 130-108 pagrapido sa NBA-worst Washington Wizards.

Dinuplika ni Thompson ang Dallas record para sa bilang ng triples sa isang quarter na inilista ni Luka Doncic noong 2022.

Hindi pa naglalaro si Doncic matapos magkaroon ng strained left calf sa kanilang Christmas Day game.

Nagdagdag si Oli­vier-Maxence Prosper ng career-high 20 points para sa Mavericks (25-22) na naghulog ng isang 13-2 bomba para maglista ng 38-point lead bago ang halftime.

Umiskor si Bilal Coulibaly ng 16 points sa panig ng Wizards (6-39) na bagsak sa ika-14 sunod na kabiguan.

Sa Salt Lake City, nag­lista sina Giannis Anteto­kounmpo at Damian Lillard ng tig-35 points sa 125-110 pagsuwag ng Milwaukee Bucks (26-18) sa Utah Jazz (10-34).

Sa Boston, nagsalpak si Amen Thompson ng isang game-winning floater sa huling 0.7 segundo para sa 114-112 pagtakas ng Houston Rockets (31-14) sa nagdedepensang Celtics (32-15).

Sa Minneapolis, kumamada si Anthony Edwards ng 23 points at may 20 markers si Julius Randle sa 100-92 paglamon ng Minnesota Timberwolves (25-21) sa Atlanta Hawks (22-24).

NBA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with