Abalos, Guce at Batang Manda pinarangalan sa PSA Awards Night
MANILA, Philippines — Naging masaya ang gabi ni Benhur Abalos Jr. at John Alvin Guce dahil pinarangalan sila sa 2024 San Miguel Corporation - Philippine Sportswriters Association Awards Night na ginanap sa Centennial Hall sa Manila Hotel, Lunes ng gabi.
Nahirang na PSA-Horse Owner of the Year si Abalos Jr. habang Jockey of the Year ang tinanggap ni Guce mula sa angkan ng magagaling na hinete sa industriya ng karera.
Si Batang Manda na pag-aari ni Abalos ang Horse of the Year.
“Nagpapasalamat ako sa PSA sa pagbibigay ng ganitong award, nakikilala ang industriya ng karera bilang isang sport,” masayang sabi ni Abalos.
Mga kabayo ni Abalos na naging Horse of the Year ay sina Ibarra at Hagdang Bato at ngayon ay si Batang Manda.
Nakopo ni Batang Manda ang korona sa prestihiyosong karera nang manalo ito sa Presidential Gold Cup noong Disyembre 2024 na ginanap sa Metro Turf, Malvar - Tanauan City, Batangas.
Ayon kay Abalos, marami silang plano kay Batang Manda at sa kanilang connections, mas ipapakilala nila ang kagandahan ng horse racing sa Pilipinas.
Pangalawa naman ni Guce ang nasabing award, siya rin ang PSA-JoY noong nakaraang taon.
Komento ni Guce na pinsan ng dating PSA-Jockey of the year na si Jessie B. Guce ay mas magpupusirge pa ito sa pagpapanalo ng kabayo ngayong 2025.
- Latest