Ika-2 sunod ikokonekta ng Cignal

Vanie Gandler

MANILA, Philippines — Ang ikalawang sunod na ratsada ang hangad ng Cignal HD sa pagsagupa sa PLDT sa 2024-25 Premier Volleyball League (PVL) All-Filipino Confe­rence sa PhilSports Are­na sa Pasig City.

Lalabanan ng HD Spi­kers ang High Speed Hitters ngayong alas-6:30 ng gabi matapos ang bakba­kan ng nagdedepensang Creamline Cool Smashers at Nxled Chameleons sa alas-4 ng hapon.

Humataw ang Cignal (5-1) ng 25-17, 25-20, 25-19 panalo sa Galeries To­­wer (1-6), habang naka­lasap ang PLDT (4-3) ng 25-21, 25-22, 25-18, 25-18 ka­bi­guan sa Choco Mucho (5-3) sa kanilang mga hu­ling laban.

Inilista ng HD Spi­kers ang panalo matapos ang pagbitaw nina key pla­yers Ces Molina at Riri Me­ne­ses na nagtapos ang kon­tra­ta noong Disyembre.

Dahil dito ay sina outside hitter Vanie Gandler, Rose Doria-Aquino, Jackie Acuña, Judith Abil at team captain Dawn Ma­candili-Catindig ang aasahan ni head coach Shaq Delos Santos.

“Ang good thing kasi sa team, medyo late na ako nakabalik sa training pero habang mino-monitor ko sila sa video, ‘yung per­­formance hindi naman nagbabago,” wika ni Delos Santos.

Tanggap naman ni Gandler ang hamon.

“It’s challenging, of course, but I’m not alone. I have the whole team. We have Ishie (Lalongisip) who can really step up. We just didn’t dwell on that, I think the only way to improve is to accept the challenges,” ani Gandler na nagtala ng 17 points mula sa 13 spikes, tatlong aces at isang block laban sa Highrisers.

Show comments