Bounce-back win ng OKC laban sa Portland

Ang slam dunk ni Oklahoma City Thunder guard Cason Wallace laban sa Portland Trail Blazers.

PORTLAND, Ore. — Bu­manat si Shai Gilge­ous-Alexander ng 33 points para giyahan ang NBA-leading Oklahoma City Thunder sa 118-108 pag­gu­po sa Trail Blazers.

Nagdagdag si forward Jalen Williams ng 24 points at 8 assists, habang humakot si center Isaiah Hartenstein ng 14 points at 11 rebounds para sa Ok­lahoma City (37-8).

Nakabawi sila mula sa naunang pagkatalo sa Dallas Mavericks.

Binanderahan ni Deni Avdija ang Portland (17-29) sa kanyang 28 points, 8 assists at 7 rebounds.

Nagtapos ang kanilang four-game winning streak.

Tumipa si Scoot Hen­derson ng 25 points mula sa bench kasunod ang 24 markers ni Touma­ni Ca­mara

Nakalapit ang Trail Bla­­zers sa 88-93 matapos ang dalawang free throws ni Anfernee Simons sa hu­ling 2:37 minuto ng fourth quarter matapos mabaon sa isang 15-point deficit sa third period.

Ngunit nagsalpak si Williams ng isang three-pointer para muling ilayo ang Thunder sa 96-88.

Ang isa pang triple ni Alex Caruso ang lalo pang nagpadyak sa 105-90 kalamangan ng Oklahoma City para kumpletuhin ang 15-0 record sa kanilang du­­welo ng Portland.

Itinala ng Thunder ang 112-106 kalamangan sa huling 1:49 minuto ma­ta­pos ang slam dunk ni Har­tenstein mula sa assist ni Gilgeous-Alexander.

Sunod na isinalpak ni Gilgeous-Alexander ang isang driving layup para hatakin ang kanilang bentahe sa double digits.

Mula rito ay hiindi na nakalapit ang Portland.

Show comments