^

PM Sports

Alcoseba, Remolino nadepensahan ang korona sa age group triathlon

Nilda Moreno - Pang-masa

MANILA, Philippines — Muling kuminang sina Raven Faith Alcoseba at Andrew Kim Remolino matapos madepensahan ang kanilang mga titulo sa men’s at women’s divisions sa 2025 National Age Group Triathlon (NAGT) Series opening leg noong Linggo sa Subic Boardwalk, Zambales.

Sinikwat ni Alcoseba, ang 2023 Cambodia Southeast Asian Games aquathlon bronze meda­list, ang kanyang ikaapat na ko­rona sa oras na 1:09.55 laban kina Erika Nicole Burgos ng Tanauan, Ba­tangas (1:06:33) at Kira Ellis ng Laguna (1:06:16).

“Super tough po ang competition lalo na ga­ling sa training camp ang lahat ng mga kasali. Lima kaming magkakasabay at nag-catch up lang po ako sa bike and then sa run,” pa­hayag ng 22-anyos na tu­bong Talisay City na si Al­coseba.

Nagtala naman ang 23-anyos na si Remolino, isang second year Marke­ting Management student sa University of San Jose Recoletos-Cebu City, ng personal best na 56:44 para sa ikalawang sunod niyang men’s elite championship.

Inungusan ang sariling oras na 56:56 nang mag­hari rin noong isang taon, kinaldag ni Re­molino ang kapwa Cebuano na si Matthew Justine Hermosa na nagrehistro ng tiyempong 56:46.

“We want to maintain our best time po kasi this is the start of the season. Ma­rami pa po puwedeng mangyari at hindi pa po talaga sigurado kung sino ang makakapag-represent sa amin sa December Thailand SEA Games,” wika ni Remolino.

Nakopo ni Jose Ramos ang ikatlong puwesto sa Elite Men sa 57:22.

 

RAVEN FAITH ALCOSEBA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with