^

PM Sports

Andiamo A Firenze banderang tapos

Nilda Moreno - Pang-masa

MANILA, Philippines — Sinungkit ng liyamadong Andiamo A Firenze ang panalo sa 2025 Philracom 4-Year-Old & Above Imported/Local Challenge Series (1) na inilarga sa Metro Turf, Malvar saTanauan City, Batangas, noong Linggo.

Kumaripas na lumabas ng aparato ang Andiamo A Firenze at kinapitan agad ito ng Mano Dura at Perfect Delight sa kaagahan ng karera pero pagsapit sa kalagitnaan ng labanan ay umunat na sa unahan ang winning horse.

Papuntang far turn ay nasa limang kabayo na ang la­mang ng Andiamo A Firenze sa pumapangalawang Ma­no Dura, habang nasa pangatlo ang Velvet Haze.

Kaya naman pagdating ng huling kurbada ay mag isa pa rin sa unahan ang Andiamo A Firenze at halos wala nang gustong humabol.

Ginabayan ni star jockey Jeffril Tagulao Zarate, ti­nawid ng Andiamo A Firenze ang meta ng may anim ka­bayo ang bentahe sa pumangalawang Mano Dura.

Inilista ng Andiamo A Firenze ang tiyempong 1:38.8 minuto sa 1,600 meter race sapat upang hamigin ng winning horse owner na si Joseph Dyhengco ang P300,000 premyo.

Naibulsa ng Mano Dura ang P112,500, habang hi­namig ng third at fourth placers na Velvet Haze at Daily Burn ang P62,500 at P25,000, ayon sa pagkakasunod.

Kumubra rin ang breeder ng nanalong kabayo ng P25,000, habang may P15,000 at P10,000 ang second at third placers, ayon sa pagkakahilera.

METRO TURF

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with