Playoffs o Boracay?

Kasabay sa pag-asenso ng mga koponang gaya ng NorthPort at Converge, ang pagkadapa naman ng mga mighty squads San Miguel Beer at Magnolia.

Parehong sisinghap-singhap ngayon ang mga Beermen at Hotshots, at maaaring parehong hindi marating ang PBA Commissioner’s Cup playoffs.

Siyempre, mas kagulat-gulat na nasa bingit ng ala­nganin sina June Mar Fajardo at kanyang mga SMB teammates.

Ang premyadong koponan, ang winningest fran­chise ng liga, ay biglang tinamaan ng pagtanda at na­katungtong na sa bangin ang isang paa sa kasalukuyang conference.

Dahil tumapos na may 5-7 card sa elims, dumausdos sa pang-sampu at maaari lang makakuha ng playoff shot sa eighth spot kung parehong matatalo ang NLEX at Magnolia sa kanilang hu­ling laro.

May kalabuan.

Nagbabanta ang ma­agang Boracay trip sa Beermen.

Kung sakali, first time silang hindi kasali sa post-elims play sa isang de­ka­da.

Samantala, halos abot-kamay na ng NorthPort ang breakthrough top fi­nish sa elims.

Pagkatapos nito eh, ang kanilang pagdaan pa rin sa big test dahil ma­bibigat na koponan pa rin ang nagbabangayan para sa eighth spot – Rain or Shine, NLEX, Magnolia at SMB.

Kung makalusot, pa­ngatlong semifinals ap­pearance para sa mga Ba­tang Pier.

Show comments