^

PM Sports

SGA hindi matibag sa Dubai

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines — Patuloy ang matikas na ratsada ng Strong Group Athletics nang patumbahin nito ang Al Nasr, 99-87, para manatiling malinis ang kanilang rekord sa 34th Dubai International Basketball Championship kahapon sa Al Nasr Club sa Dubai, United Arab Emirates.

Mainit pa rin si da­ting NBA star Chris McCullough na kumana ng 31 puntos at siyam na rebounds para dalhin ang Strong Group sa 2-0 rekord.

Nagparamdam naman si Filipino-American guard Mikey Williams na umiskor ng 16 markers habang naglista si Dave Ildefonso ng karagdagang 13 points para sa Strong Group.

Lamang ang Strong Group ng 12 puntos sa halftime.

Ngunit nagpasabog ang Pinoy squad ng 17-2 run tampok ang three-point play ni McCullough para lalo pang palobohin ang bentahe nito sa 27 puntos (67-40).

Mula dito ay hindi na lumingon pa ang Strong Group para makuha ang panalo.

Nanguna para sa Al Nasr si Harat Mohammed na umani ng 34 puntos.

Hindi naman pinalad ang Zamboanga Valientes na lumasap ng 97-82 kabiguan sa kamay ng Sharjah SC sa kanilang unang pagsalang.

Bumandera para sa Valientes si 7-foot-6 Maltese import Sam Deguara na may double-double output na 16 points at 11 rebounds.

Naglista naman si Forthsky Padrigao ng 14 puntos, tatlong rebounds at tatlong steals habang nagsumite si dating San Miguel Beermen guard Kyt Jimenez ng pitong puntos.

Target ng Valientes na makaresbak sa pagharap nito sa Al Ahli Tripoli-Libya.

BASKETBALL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with