^

PM Sports

Dehadista pinasaya ng Dixie Sky

Nilda Moreno - Pang-masa

MANILA, Philippines — Kalampagan sa karerahan ang mga dehadista nang manalo ang Dixie Sky sa 3-Year-Old & Above Maiden Race na nilarga sa Metro Turf, Malvar - Tanauan City, Batangas kahapon.

Kalmadong lumabas ng aparato ang Dixie Sky, hindi muna nakihalo sa unahan para hayaan mauna ang mga matutulin sa largahan na Rapa Bell, Sahib at Daijobo Express.

Pagdating sa kalagitnaan ng karera ay nasa unahan pa rin ang Rapa Bell, pangalawa ang Sahib at pangatlo ang Daijobo Express pero papalapit sa far turn ay kumukuha na ng segundo puwesto ang seventh choice na Dixie Sky.

Kaya naman pagsapit ng huling kurbada ay naagaw na ng Dixie Sky ang bandera sa Rapa Bell.

Mas tumindi ang enerhiya ng Dixie Sky sa rektahan at nakauna na ito ng may dalawang kabayo ang agwat sa pumapangalawa nang Queen Ella.

Ginabayan ni former Philippine Sportswriters Association, (PSA) - Jockey of the Year awardee Patty Ramos Dilema, nirehistro ng Dixie ang tiyempong 1:28.6 minuto sa 1,400 meter race.

Nakopo ng Dixie Sky ang added prize na P15,000 para sa winning horse owner sa event na suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM).

Naibulsa ng breeder ng nanalong kabayo ang P4,500 habang P1,000 at P500.00 ang second at third placers, ayon sa pagkakasunod.

Nagbigay ng dibidendo sa forecast combination na Dixie Sky/Queen Ella, (12/3) ng P1,158 sa kada limang piso na taya.

METRO TURF

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with