^

PM Sports

Rockets nakalusot sa Cavs

Pang-masa

HOUSTON — Ipinasok ni Alperen Sengun ang dalawang free throws sa huling 4.5 segundo habang mintis ang dalawang foul shots ni Darius Garland para sa 109-108 pag-eskapo ng Rockets sa Cleveland Cavaliers.

Tumapos si Sengun na may 18 points, 11 rebounds at 4 assists para sa Houston (29-14) na nakahugot kay Fred VanVleet ng 26 points.

Binanderahan ni Garland ang Cleveland (36-7) sa kanyang 26 points habang may 19, 18 at 17 markers sina Donovan Mitchell, Ty Jerome at Jarrett Allen, ayon sa pagkakasunod.

Matapos ang dalawang free throws ni Sengun para sa 109-108 abante ng Rockets ay natawagan si Tari Eason ng flagrant foul sa 3-point attempt ni Garland sa posesyon ng Cavaliers sa huling 2.1 segundo.

Naimintis ni Garland ang unang dalawang charities bago naipasok ang ikatlo para sa 108-109 agwat ng Cleveland.

Sa Oklahoma City, nagpaputok si Shai Gilgeous-A­le­xander ng career-high 54 points para igiya ang Thunder (36-7) sa 123-114 paggupo sa Utah Jazz (10-32).

Sa New York, nagbagsak si Devin Booker ng 32 points at may 24 markers si Kevin Durant sa 108-84 pagsunog ng Phoenix Suns (22-21) sa Brooklyn Nets (14-31).

Sa Dallas, naglista si Jaden McDaniels ng career-high 27 points habang may 21 markers si Anthony Edwards sa 115-114 pagtakas ng Minnesota Timberwolves (23-21) sa Mavericks (23-21). 

CLEVELAND CAVALIERS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with