^

PM Sports

Higanteng laban ni Converge

POINT GUARD - Nelson Beltran - Pang-masa

Matapos mag-pakaang-kaang last season, arangkada bigla ngayon ang Converge FiberXers.

Konting kembot na lang, abot na nila ang twice-to-beat incentive sa PBA Commissioner’s Cup quarterfinals.

Ang siste, dadaan sila sa mga kamay ng mighty San Miguel Beer sa crucial game ngayong gabi sa Ynares Center sa Antipolo.

“If it’s there, susubukan namin. Lahat naman ng teams gustong makuha ‘yan,” ani coach Franco Atienza.

“We’ll take care of what is at present. Sa ngayon ang present for us is San Miguel. Kanit manalo kami, yung ibang games may bearing pa rin. Pero ayaw namin dumating doon (possible tie) na we didn’t take care of the things in our control,” dagdag ni Atienza.

Sa pangunguna nina Justine Baltazar, Alec Stockton at Justin Arana, nasa mainit na breakthrough run ang Converge.

Tangan ang kartadang 8-3 patungo sa kanilang last game sa elims, sigurado na ang FiberXers ng pwesto at least sa best-of-three quarterfinals.

Buhay ang tsansa sa Top Two at twice-to-beat bonus sa quarterfinals kung matalisod nila ang San Miguel.

Interesting side showdown ang matchup ni June Mar Fajardo at Baltazar.

“Kung ano ang gameplan, paghahandaan at pagtratrabahuhan namin,” ani Baltazar sa kanyang unang pagsagupa sa eight-time PBA MVP awardee.

Siguradong mabigat na assignment ang San Miguel lalo na’t fighting for survival ito habang tabla sa Magnolia at NLEX sa eighth spot.

CONVERGE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with