^

PM Sports

Ika-19 triple-double inilista ni Jokic

Pang-masa
Ika-19 triple-double inilista ni Jokic
Naghanap ng mapapasahan si Nuggets center Nikola Jokic laban kay 76ers forward Guerschon Yabusele.

DENVER — Nagkuwintas si Nikola Jokic ng 27 points, 13 rebounds at 10 assists para sa kanyang ika-19 triple-double sa season sa 144-109 pagmasaker ng Nuggets sa Philadelphia.

Kinumpleto ni Jokic ang kanyang triple-double sa dulo ng third quarter sa isang assist para sa dunk ni Aaron Gordon bago ipahinga sa fourth quarter.

May anim na players ang Denver (27-16) na naglista ng double figures, kasama rito ang 23-point performance ni Julian Strawther.

Pinamunuan ni Tyrese Maxey ang Philadelphia (15-27) sa kanyang 28 points at 10 assists.

Laglag ang 76ers, nag­laro na wala si injured big man Joel Embiid (left knee swelling), sa kanilang pang-pitong dikit na kamalasan.

Mula sa 77-67 halftime lead ay kumawala ang Nuggets sa third period sa pamamagitan ng isang 24-12 atake patungo sa kanilang panalo.

Sa Los Angeles, kumolekta si LeBron James ng triple-double na 21 points, 13 assists at 10 rebounds sa 111-88 panalo ng Lakers (23-18) sa Washington Wizards (6-36).

Sa Toronto, nagtala si Scottie Barnes ng 17 points at 11 rebounds sa 109-93 paggiba ng Raptors (11-32) sa Orlando Magic (23-22).

Sa New York, humakot si Karl-Anthony Towns ng 25 points at 16 rebounds sa 99-95 pagtakas ng Knicks (29-16) sa Brooklyn Nets (14-30).

NIKOLA JOKIC

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with