^

PM Sports

DeMarcus Cousins payag lumaro sa PBA

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines — Hindi isinasara ni da­ting NBA star DeMarcus Cousins ang posibleng paglalaro bilang reinforcement sa Philippine Basketball Association (PBA).

Inihayag ni Cousins ang saloobin nito nang tanungin ito sa posibleng paglalaro sa pinakamatandang commercial basketball league sa Asya.

Ayon kay Cousins, kung magkakaroon ng pagkakataon at magkasundo sa mga bagay-bagay, hindi ito magdadalawang isip na kagatin ito.

“I’m a businessman, if it makes sense, absolutely,” ani Cousins.

Sanay na sanay na sa estilo ng Pinoy basketball si Cousins dahil nakapaglaro na ito sa ilang Pinoy clubs.

Kabilang na rito ang Zamboanga Valientes na tinulungan ni Counsins na walisin ang The Asian Tournament noong Agosto ng nakaraang taon.

Sa kasalukuyan, kasama ito sa Strong Group Athletics na sasabak naman sa 2025 Dubai International Basketball Championship na gaganapin sa Enero 24 hanggang Pebrero 2 sa United Arab Emirates.

“It feels great to be back. Same supporters last time, same love,” ani Cousins.

Sa pagbabalik ni Cou­sins sa Maynila, masaya ito dahil mainit pa rin ang pagtanggap sa kanya ng Pinoy fans gaya nang unang pagbisita nito.

“I feel that same energy. I’ve had more time this time in Manila, so I’ve really got to, well, not really get out, but I’m getting more opportunity to get out, so I’m excited for that,” ani Cousins.

Umaasa si Cousins na matutulungan nito ang SGA na masungkit ang kampeonato sa Dubai tournament.

DeMarcus Cousins payag lumaro sa PBA

Chris Co

PBA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with