Mitchell, Garland humataw sa Cavs

Ang reaksyon ni Donovan M­itchell ng Cavaliers ma­tapos matawagan ng foul laban sa Timberwolves.
STAR/File

LOS ANGELES — Umiskor si Donovan Mitchell ng 36 points para akbayan ang Cleveland Cavaliers sa 124-117 panalo kontra Minnesota Timberwolves sa 2024-2025 NBA regular season kahapon.

Naghabol ng 11 points sa kaagahan ng first quarter, biglang pumutok ang Cavs para ilista ang impresibong panalo at manatiling nasa tuktok ng Eastern Conference division na tangan ang 35-6 karta.

Sina Mitchell at Darius Garland ang nag-init sa opensa para sa one-time champion Cleveland matapos magtala ng pinagsamang 65 puntos sa kanilang koponan.

Nirehistro rin ni Mitchell ang walong rebounds at pitong assists kasama ang apat na three pointers habang 29 ang kinana ni Garland at nirehistro ang five-of-10 sa three-point range.

Nanguna si Anthony Edwards sa Timberwolves sa kinamadang 28 points tampok dito ang apat na tres.

Sa Boston, lumiyab si Trae Young ng 28 markers para tulungan ang Atlanta Hawks na silatin ang NBA champion Boston Celtics 119-115 sa overtime thriller.

Nirehistro ng Hawks ang 22-19 baraha habang nanatili ang Celtics sa se­cond place sa Eastern Conference hawak ang 29-13 record.

Sa Indianapolis, pina­bagsak ng Pacers ang Phi­ladelphia 76ers 115-102.

Sa Detroit, nagpasabog sina Devin Booker at Ke­vin Durant ng pinagsamang 71 points para akbayan ang Phoenix Suns sa 125-121 panalo laban sa Pistons.

Tumapos si Durant na may 36 puntos, pitong rebounds at limang assists habang nagtala si Booker ng 35 markers.

Show comments