Quizon pararangalan sa PSA Awards Night

MANILA, Philippines — Nakatakdang ma­big­yan ng parangal si Pinoy grandmaster Daniel Quizon sa magaganap na 2024 San Miguel Corporation - Philippine Sportswriters Association Awards Night sa darating na Enero 27 sa Centennial Hall sa Manila Hotel.

Nasungkit ng 20-year-old na si Quizon ang third at final norm noong nakaraang taon kaya siya ang bagong grandmaster ng Pilipinas.

Paniguradong magni­ningning ang gabi ni Quizon pagtanggap niya ng award mula sa pinakamatandang sports organization sa Pilipinas

Nakumpleto ni Quizon ang tatlong GM norms sa last leg ng Hanoi Grandmaster Chess Tournament sa Vietnam noong Marso 2024.

Pormal na nasilo ni Quizon ang GM title nang maabot nito ang 2500 elo rating requirements matapos pisakin si grandmaster Igor Efimov sa board 2 sa 45th FIDE Chess Olympiad na nilaro sa BOK Sports Hall sa Budapest, Hungary.

Maging si Ruelle Canino ay na-ispatan ng PSA media group sa kanyang mahusay na paglalaro ng chess sa 2024, nagpakitang gilas ito at tumulong sa pag-akbay sa Philippine Wo­men’s Team na nakakuha ng gold medal category B ng women’s section sa Chess Olympiad.

Pinagtatalbos nina Quizon at 16-anyos na si Canino ang mga seeded players na kanilang nakalaban sa chess Olympiad kaya nasikwat ng una ang inaasam na GM title habang ang huli ay nakalikom ng karagdagang 102 elo rating points.

Samantala, inaasa­han din na magpapatuloy ang magandang laro nina Quizon at Canino ngayong 2025 dahil naghahanda na sila sa susunod nilang lalahukang international tournaments.

Show comments