Senor Ivarra kikilatisin sa 3YO

Nagpipilit lumusot si Nuggets star Nikola Jokic sa depensa ng Heat player.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Maiden race Nakatakdang sumalang sa pista ang Senor Ivarra sa magaganap na “3-Year-Old Maiden Stakes Race (1)” na ilalarga sa Metro Turf, Malvar - Tanauan City, Batangas, ngayong araw.

Masasaksihan ng mga karerista ang husay ng Senor Ivarra pero tiyak na mapapalaban ito kontra apat pang kalahok.

Dehado sa karera tips­ters ng programa ang Senor Ivarra na gagabayan ni class A rider at December, 2024 top jockey, John Alvin Guce dahil posibleng magdomina sa bentahan ang kalahok na si Vinalot Eyu.

Bukod sa Senor Ivarra at Vinalot Eyu, ang ibang kalahok sa distansyang 1,400 meter race ay ang Title Holder, Lilly Bell at Golden Diet sa event na suportado ng Philippine racing Commission, (PHILRACOM).

Pakakawalan ang nasabing karera sa Race 2 sa alas-2:35 ng hapon.

Show comments