3 bigating laro sa paghataw muli ng PVL

MANILA, Philippines — Tatlong bigating laro ang hahataw sa pagbabalik ng 2024-25 Premier Volleyball League (PVL) All-Filipino Conference.

Unang sasalang ang Farm Fresh at Nxled nga­yong ala-1:30 ng hapon ka­­sunod ang upakan ng ZUS Cofee at Choco Mu­cho sa alas-4 ng hapon sa PhilSports Arena sa Pasig City.

Sa huling laro sa alas-6:30 ng gabi ay magkikita ang PLDT at Akari.

Hangad ng Foxies, may 2-3 record, na maka­ba­ngon mula sa naunang five-set loss sa Choco Mu­cho Flying Titans (3-3).

Ang kauna-unahang panalo naman ang puntirya ng Chameleons (0-5).

Muling aasahan ng Farm Fresh si Trisha Tubu na pang-apat sa hanay ng mga best scorers sa torneo sa kanyang 109 points.

Makakatuwang ni Tu­bu sina Rachel Anne Da­quis, Jolina Dela Cruz at Lo­rene Toring na magla­la­ro sa unang pagka­kataon.

Itatapat ng Nxled si Chiara Permentilla, pang-si­yam sa mga best sco­rers sa kanyang 87 points, ka­tulong sina Lycha Ebon, Lu­cille Almonte, Krich Ma­caslang, Janel Mara­gui­not at EJ Laure.

Sa ikalawang laro, puntirya ng Choco Mucho ang ikalawang sunod na rat­sa­­da sa pagharap sa ZUS Coffee (2-3).

Huling pinatumba ng Flying Titans ang Foxies, habang dalawang dikit na kamalasan ang nalasap ng Thunderbelles matapos humataw ng dalawang su­­nod na panalo.

Sina Sisi Rondina, Isa Molde, Kat Tolentino, Din­din Santiago-Manabat at Royse Tubino ang aasahan ng Choco Mucho laban kina Jovelyn Gonzala, Thea Gagate, Chinnie Arroyo at Michelle Gamit ng ZUS Coffee.

Show comments