MANILA, Philippines — Madaragdagan na ang listahan ng Philippine Sportswriters Association (PSA) Hall of Fame dahil iluluklok si weightlifter Hidilyn Diaz dahil sa tagumpay nito sa kaniyang larangan.
Si Diaz ang kauna-unahang Pinoy athlete na nakasungkit ng gintong medalya sa Olympics.
Kaya karapat-dapat itong parangalan sa San Miguel Corporation-PSA Awards Night na idaraos sa Enero 27 sa Manila Hotel.
Hindi malilimutan ang tagumpay ni Diaz nang maibulsa nito ang gintong medalya nooong 2020 Olympics sa Tokyo, Japan para basagin ang ilang dekadang pagkauhaw ng Pilipinas sa gold medal sa Olympics.
Kaya naman bibigyan ito ng natayanging parangal para saluhan sa maningning na programa si first ever Filipino Olympic double-gold medalist Carlos Yulo na siyaang tatanggap ng Athlete of the Year award sa programang inihahandog ng ArenaPLus, Cignal at MediaQuest.
Makakasama nina Diaz at Yulo ang iba pang atleta at mga personalidad sa event na suportado ng Philippine Sports Commission, Philippine Olympic Committee, MILO, PLDT/Smart, Sen. Bong Go, Januarius Holdings, PBA, PVL, 1-Pacman Party List.
Isa lamang si Diaz sa listahan ng mga legendary athletes na nasa Hall of Fame.