^

PM Sports

Diaz iluluklok sa Hall of Fame

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines — Madaragdagan na ang listahan ng Philippine Sportswriters Asso­ciation (PSA) Hall of Fame dahil iluluklok si weightlifter Hidilyn Diaz dahil sa ta­gumpay nito sa kaniyang la­rangan.

Si Diaz ang kauna-una­hang Pinoy athlete na na­kasungkit ng gintong me­dalya sa Olympics.

Kaya karapat-da­pat itong parangalan sa San Miguel Corporation-PSA Awards Night na idaraos sa Enero 27 sa Manila Hotel.

Hindi malilimutan ang tagumpay ni Diaz nang maibulsa nito ang gintong medalya nooong 2020 Olympics sa Tokyo, Japan para basagin ang ilang de­kadang pagkauhaw ng Pilipinas sa gold medal sa Olympics.

Kaya naman bibigyan ito ng natayanging para­ngal para saluhan sa ma­ningning na programa si first ever Filipino Olympic double-gold medalist Carlos Yulo na siyaang ta­tanggap ng Athlete of the Year award sa progra­mang inihahandog ng ArenaPLus, Cignal at MediaQuest.

Makakasama nina Diaz at Yulo ang iba pang at­leta at mga personalidad sa event na suportado ng Philippine Sports Commission, Philippine Olympic Committee, MILO, PLDT/Smart, Sen. Bong Go, Januarius Hol­dings, PBA, PVL, 1-Pacman Par­ty List.

Isa lamang si Diaz sa listahan ng mga legendary athletes na nasa Hall of Fame.

HIDILYN DIAZ

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with