LA Clippers minasaker ang Nets

INGLEWOOD, Calif. — Umiskor si Kawhi Leo­nard ng 23 points, habang may 21 markers si James Harden para gabayan ang Los Angeles Clippers sa 126-67 pagmasaker sa Brooklyn Nets.

Nagdagdag si Nico Po­well ng 18 points.

Ito ang pinakamala­king winning margin ng Clippers (22-17) sa ka­ni­lang franchise history.

Binasag din ng tropa ang team margin mark na 50 points laban sa Oklaho­ma City Thunder noong Abril 10, 2022.

Ito naman ang worst loss ng Nets (14-27) sa ka­nilang  franchise history na sumapaw sa nauna nilang 52-point defeat sa Houston Rockets noong Oktubre 18, 1978.

Ang pinakamalaking bentahe ng Los Angeles ay 64 points sa gitna ng fourth quarter.

Pinamunuan ni Jalen Wil­son ang Brooklyn sa kanyang 16 points at may 12 markers si Day’Ron Sharpe.

Kinuha ng Clippers ang 58-35 halftime lead bago maghulog ng isang 29-3 bomba para ibaon ang Nets sa 102-51.

Sa Los Angeles, umiskor si Rui Hachimura ng 23 points at nagtala si Anthony Davis ng 22 points at 11 rebounds para sa 117-108 pagdaig ng Lakers (21-17) sa Miami Heat (20-19).

Sa Minneapolis, nag­sal­pak si Stephen Curry ng pitong three 3-pointers at tumapos na may 31 points sa 116-115 pagtakas ng Golden State Warriors (20-20) laban sa Minnesota Tim­berwolves (21-19).

Sa San Antonio, tumi­pa si Ja Morant ng 21 points at 12 assists para tu­­­lungan ang Memphis Grizzlies (26-15) sa 129-115 pagpulutan sa Spurs (19-20).

Sa Milwaukee, bumira si Damian Lillard ng 30 points at kumolekta si Gian­nis Antetokounmpo ng 26 points at 11 rebounds sa 122-93 pagsuwag ng Bucks (22-17) sa Orlando Magic (23-19).

Sa Denver, bumanat si Fil-American guard Jalen Green ng 34 points sa 128-108 paggupo ng Houston Rockets (27-12) sa Nuggets (24-16).

Sa New Orleans, nagposte si Dejounte Murray ng 30 points, habang sinupalpal ni Trey Murphy III ang layup ni Spencer Dinwiddie sa huling apat na se­gundo para sa 119-116 pa­­nalo ng Pelicans (10-32) sa Dallas Mavericks (22-19).

Show comments