LA Clippers minasaker ang Nets
INGLEWOOD, Calif. — Umiskor si Kawhi Leonard ng 23 points, habang may 21 markers si James Harden para gabayan ang Los Angeles Clippers sa 126-67 pagmasaker sa Brooklyn Nets.
Nagdagdag si Nico Powell ng 18 points.
Ito ang pinakamalaking winning margin ng Clippers (22-17) sa kanilang franchise history.
Binasag din ng tropa ang team margin mark na 50 points laban sa Oklahoma City Thunder noong Abril 10, 2022.
Ito naman ang worst loss ng Nets (14-27) sa kanilang franchise history na sumapaw sa nauna nilang 52-point defeat sa Houston Rockets noong Oktubre 18, 1978.
Ang pinakamalaking bentahe ng Los Angeles ay 64 points sa gitna ng fourth quarter.
Pinamunuan ni Jalen Wilson ang Brooklyn sa kanyang 16 points at may 12 markers si Day’Ron Sharpe.
Kinuha ng Clippers ang 58-35 halftime lead bago maghulog ng isang 29-3 bomba para ibaon ang Nets sa 102-51.
Sa Los Angeles, umiskor si Rui Hachimura ng 23 points at nagtala si Anthony Davis ng 22 points at 11 rebounds para sa 117-108 pagdaig ng Lakers (21-17) sa Miami Heat (20-19).
Sa Minneapolis, nagsalpak si Stephen Curry ng pitong three 3-pointers at tumapos na may 31 points sa 116-115 pagtakas ng Golden State Warriors (20-20) laban sa Minnesota Timberwolves (21-19).
Sa San Antonio, tumipa si Ja Morant ng 21 points at 12 assists para tulungan ang Memphis Grizzlies (26-15) sa 129-115 pagpulutan sa Spurs (19-20).
Sa Milwaukee, bumira si Damian Lillard ng 30 points at kumolekta si Giannis Antetokounmpo ng 26 points at 11 rebounds sa 122-93 pagsuwag ng Bucks (22-17) sa Orlando Magic (23-19).
Sa Denver, bumanat si Fil-American guard Jalen Green ng 34 points sa 128-108 paggupo ng Houston Rockets (27-12) sa Nuggets (24-16).
Sa New Orleans, nagposte si Dejounte Murray ng 30 points, habang sinupalpal ni Trey Murphy III ang layup ni Spencer Dinwiddie sa huling apat na segundo para sa 119-116 panalo ng Pelicans (10-32) sa Dallas Mavericks (22-19).
- Latest