Tapos na ang dalawang buwang paghihintay, at heto na ang TNT-Ginebra rematch
Muling maghaharap sina Rondae Hollis-Jefferson at Justin Brownlee sa isang virtual tiebreaker pagkatapos makaisa si JB sa Hangzhou Asian Games at pagkatapos makabawi ni RHJ sa 2024 Governor’s Cup finals.
Slam-bang game ang expectation habang maghahabol ang dalawang koponan sa pag-usad sa kanilang twice-to-beat aspiration sa PBA Commissioner’s Cup.
Nadale ng Tropa ang championship last time sa paggiba sa Kings sa loob ng six games.
Pero two months later, ibang Ginebra team ang magbabalik, kasama si Troy Rosario at si comebacking gunner Jamie Malonzo.
Sa dalawa, nakakuha ang Ginebra ng karagdagang offensive firepower at defensive muscle.
Crucial ang laban dahil habol ng TNT na palakasin ang 5-2 record, samantalang target ng Ginebra na umusad sa 7-3.
Lumalabas na virtual knockout game sa Top Two race ang TNT-Ginebra rematch na nakatakda sa PhilSports Arena, susundan ang parehong paghabol ng Eastern sa 7-3 card kontra Terrafirma (0-10).
Bukas naman sa Candon, Ilocos Sur, habol ng Meralco ang parehong goal kontra San Miguel Beer (4-4).
Halos homestretch na ng elims.
At nagbabaga ang mga laban.