BEST Center lalarga sa Jan. 18 sa Ateneo

MANILA, Philippines — Ang Ateneo College covered courts sa Katipunan, Quezon City ang muling magiging venue ng mga future basketball stars sa pagdaraos ng multi-awarded at pioneering Basketball Efficiency and Scientific Training Center (BEST Center) sa Enero 18 hanggang Marso 1.

Bukas ang Saturdays-only classes sa Levels 1, 2, 3, 4 at Preparatory (5-8 yrs old) sa basketball.

Ang mga sesyon ay gagawin sa alas-8:30 ng umaga hanggang alas-12 tanghali kagaya ng oras ng volleyball clinics sa Levels 1, 2, 3, Mastery at adult class.

 Itinataguyod ng Milo katuwang ang Chris Sports at Sklz, ang BEST Center ay isang Olympism Awar­dee ng Philippine Olympic Committee (POC) at Hall-of-Fame lister ng Philippine Sportswriters Association (PSA).

Show comments